14.8 C
Baguio City
Tuesday, November 26, 2024
spot_img

2 Days drone operation training ng PGC, matagumpay na naisagawa

Matagumpay na naisagawa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan sa pangunguna ng Cagayan Provincial Information Office (CPIO) ang dalawang araw na Drone Operation Training na ginanap sa Commissary Building, Capitol Complex, Tuguegarao City na nagsimula noong Enero 30 at nagtapos ng Enero 31, 2024.

Kasabay nito ang pagbuo ng kauna-unahang Cagayan Drone Pilot Association.

Bukod dito, tinalakay din ang mga usapin tungkol sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) Rules and Regulations, Flight Limitations and Restrictions, Basic Drone Maintenance, at Parts of the Drone.

Sa naging mensahe ni Third District Board Member Rodrigo De Asis, kanyang tinuran ang kahalagahan ng pagpapalakas sa kakayahan ng bawat Cagayano sa pamamagitan ng ganitong uri ng pagsasanay na magagamit sa anumang klase ng panahon lalo na aniya’t ang lalawigan ng Cagayan ay disaster-prone.

Laking pasasalamat naman ni CPIO Head, Rogelio P. Sending Jr. sa pagsasanay na iginawad ng DJI Philippines at SkyPixel18 na mga gabay at kaalaman sa mga nagsanay at ang libreng Drone Unit na ibinigay sa grupo na magagamit ng nabuong Cagayan Drone Pilot Association.

Nilahukan ng mga miyembro ng Philippine Army (PA), Philippine National Police (PNP), Marines, mga uniformed personnel, rescuers, at iba’t ibang kawani sa mga departamento ng Kapitolyo ng Cagayan ang nasabing pagsasanay.

Bakas din ang tuwa ng mga nagsanay matapos silang mabigyan ng pagkakataon na makapag-operate ng drone matapos silang turuan ng mga lisensyadong drone instructor.

Nagsilbing mga tagaturo ang mga empleyado ng DJI Philippines at SkyPixel18 na pangunahing kumpanya ng mga Drone sa bansa na pinangunahan nina CEO Nathaniel S. Ablaza , DJI CEO John Garrick Hung at Licensed Drone Pilot Mitchell Andre M. Sy, Aimee Malabanan.

Source: CPIO

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles