14.5 C
Baguio City
Sunday, November 24, 2024
spot_img

12 Barangay sa Bacnotan, La Union, idineklarang drug-free

Idineklara ng Philippine Drug Enforcement Agency La Union ang 12 munisipalidad sa Bacnotan, La Union na drug-free nito lamang ika-6 ng Mayo 2024.

Ang mga barangay na idineklarang drug-free ay ang Barangay Agtipal, Arosip, Bacqui, Legleg, Mabanengbeng 2, Maragayap, Ortega, Pang-Pang, Sapilang, Sta. Cruz, Sta. Rita, at Ubbog.

Ang pagdeklara sa 12 barangay ng Bacnotan bilang Drug-Free Barangay ay isa sa mahalagang requirement para madeklarang Drug-Cleared Municipality na ang Munisipalidad ng Bacnotan.

Dumalo sa paggawad ng resolusyon ng Drug-Free Status sina Vice Mayor Francis Fontanilla, Police Lieutenant Roger Zulueta mula sa Bacnotan PNP at Municipal Anti-Drug Abuse Council (MADAC) Focal Persons Ms. Rosemarie Calpito at Mr. Oscar Reyes.

Samantala, nangangako naman ang mga namumuno sa Bacnotan, La Union na gagawin nila ang kanilang makakaya upang mapasama ang buong Bacnotan sa Drug-Cleared Municipality sa Pilipinas.

Source: Bacnotan, La Union

Panulat ni Sane Mind

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles