Isinagawa ng Young Juan’s Sport Festival ng Parish Youth Ministry, Sudipen, La Union bilang paggunita sa 17th Founding Anniversary ng Holy Family Parish nito lamang Biyernes, Hulyo 8, 2022.
Pormal na sinimulan ang programa sa pagbabahagi ng pangunang salita ni Ginoong Adonis M Buton, Parish Youth Ministry Coordinator.
Ang Parish Youth Ministry, Holy Family Parish ay pinangungunahan ni Reverend Father Alexander Jo Peralta, Parish Priest at naging katuwang nito sa dalawang araw na aktibidad ang Municipal Social Welfare Development Office sa pamumuno ni Mrs Elma Mostoles.
237 naman ng katutubong kabataan mula sa iba’t ibang barangay ng bayan ang nagparehistro at dumalo sa Sport Festival.
Dumalo din at nagbigay ng mensahe sina Mayor Wendy Joy Buquing, Vice Mayor Melvin Macusi at mga Sangguniang Bayan Members ng Sudipen.
Saad ni Mayor Buquing, “Ang Sport Festival ay makatutulong para hikayatin at panatilihin ang “sportsmanship”, pagsasama-sama at pagkakaisa at magsisilbing ensayo para sa mga kabataan na maipakita ang potential sa larangan ng sports. Ang lokal na gobyerno ng Sudipen ay narito lamang handang sumuporta”.
Pinasalamatan din niya ang mga miyembro ng PYM sa paghahanda sa dalawang araw para maging maayos at matagumpay ang nasabing aktibidad.
Patuloy naman ang LGU- Sudipen katuwang ang mga iba’t ibang ahensya sa paglunsad ng mga aktibidad at programa para sa mga kabataan para hasain ang kanilang mga talento at maging kapakipakinabang sa pamayanan at mailayo sa anumang panghihikayat ng makakaliwang grupo.