Idinaos nitong Sabado, Disyembre 9, 2023 ng City Health Office ng Pamahalaang Panlungsod ng Tuguegarao ang World’s Aids Day celebration na ginanap sa Barangay Ugac Sur Gymnasium, Tuguegarao City, Cagayan.
Naging matagumpay ang aktibidad sa pakikipagtulungan ng LGBTQIA+ Community at maging ang mga Bar owners at entertainers sa Macapagal.
Sinimulan ito sa pamamagitan ng motorcade na pinangunahan ng CHO mula Rizal’s Park hanggang sa gymnasium ng Barangay Ugac Sur.
Sinundan naman ito ng Seminar on HIV Awareness at Anti-Illegal Drugs Campaign.
Bago natapos ang naturang programa, nagsagawa ng iba’t ibang Sportsfest Activities ang mga miyembro ng LGBTQIA+, gaya ng Laro ng Lahi Events, Tomballs o Basketball para sa mga tomboy at VolleyBells o Volleyball para sa mga gays na pinangasiwaan ni City Sports Coordinator Robert Fugaban.
Ang nasabing aktibidad ay dinaluhan ni City Mayor Maila Rosario S. Ting-Que, kasama sina City Councilor Boyet Ortiz at Former President ng LGBTQIA+ Community Christian Cabalza.
Samantala, labis naman ang pasasalamat ni LGBTQIA Community-Tuguegarao City Chapter President Carla Badajos kay Mayor Maila sa tulong at suporta nito para sa obserbasyon ng World’s Aids Day ngayong taon.
Source: Tuguegarao City Information Office