13.2 C
Baguio City
Tuesday, January 21, 2025
spot_img

World War II 77th Victory Day, ipinagdiwang sa Kiangan, Ifugao

Ipinagdiwang ang ika-77 th Victory Commemoration ng World War II Victory Day na may temang “Enduring Peace: Engine for Health and Economic Recovery” ng Lokal na Pamahalaan ng Ifugao sa Memorial Shrine, Kiangan, Ifugao nito lamang Setyembre 2, 2022.

Naging panauhing pandangal at tagapagsalita si Senador Christopher Lawrence “Bong” T. Go na kinatawan ni G. Leo L. Palo III.

Nagsimula ang programa sa isang civic parade na sinundan ng wreath laying, playing of taps, 21-gun salute at paggawad ng mga medalya at sertipiko sa mga beterano ng digmaan noong ikalawang digmaan pandaigdig.

Ang pagdiriwang ay isinasagawa taon-taon bilang paggunita sa pagwakas ng mahabang taon na labanan ng mga sundalong Amerikano at Pilipino kasama ang kinikilalang lokal na mga yunit ng gerilya ng Igorot laban sa tinaguriang “Tigre ng Malaya”, ang Japanese Imperial Army General na si Tomoyuki Yamashita kasama ang kanyang mga tropa.

Sa pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ilang sundalong Hapones sa grupong Shobu na pinamumunuan ni Heneral Yamashita ang tumanggi sa utos ng Japanese Emperor Hirohito na sumuko sa sandatahang Amerikano subalit sa kalaunan ay napilitang umatras ang hanay ni General Yamashita mula sa Maynila patungo sa kabundukan ng Ifugao at Cordillera kung saan nadakip ng pinagsamang pwersa ng Igorot Infantry at hukbong amerikano si Yamashita sa Nabuilaguian Hill, Kiangan, Ifugao noong Setyembre 2, 1945.

Samantala, binigyang-pugay ni Palo III ang kagitingan ng mga Filipino-American war veterans sa kanilang pagkapanalo laban sa mga Hapones para sa kapayapaan at sabay na pinarangalan ang di-natitinag na diwa ng mga Pilipino habang binabati ang lahat ng Maligayang Araw ng Tagumpay.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles