Ipinagdiriwang ang World Tourism Day na may temang “Rethinking Tourism” ng mga residente ng Kalinga sa Capitol Plaza Park, Tabuk City, Kalinga nito lamang Oktubre 1, 2022.
Kasabay ng pagdiriwang nito ay ipinamalas ng mga iba’t ibang artists mula sa probinsya ng Kalinga ang kanilang talento sa kauna-unahang “Art in the Park” na naganap sa Capitol Plaza Park, Tabuk City, Kalinga.
Nagpinta ng iba’t ibang mga larawan na nagpapakita sa ganda at mayamang kultura ng Kalinga ang nasa 29 na kalahok gamit ang pintura at paintbrush.
Ang aktibidad ay pinangunahan ng Provincial Tourism Office ng Kalinga upang maipakita ang talento at mga larawang makapagbibigay inspirasyon sa komunidad.
Samantala, ang mga larawang naipinta ay naka-display at magagamit para sa exhibition sa pagdiriwang ng Indigenous People’s Month ngayong Oktubre.