Ipinagdiwang ng Baguio City Police Office ang Women’s Month sa pamamagitan ng pagharana sa mga parkgoers sa People’s Park, Baguio City nito lamang ika-8 ng Marso 2023.
Ito ay sa inisyatibo ni Police Colonel Francisco Bulwayan Jr., City Director ng Baguio City Police Office, ito ay kaugnay sa pagdiriwang ng Women’s Month katuwang ang iba’t ibang policewomen ng mga istasyon ng siyudad, Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT), at Women’s Brigade.
Itinampok sa aktibidad ang libreng live concert ng mga tauhan ng Police Regional Office Cordillera Band at Community Dance na nilahukan maging ng mga manonood at may temang “WE, for Gender Equality and Inclusive Society”.
Ito ay naglalayong magbahagi ng kasiyahan at galak, at isulong ang Women Empowerment at Gender Equality lalo na sa mga kababaihan sa buong siyudad ng Baguio.