Namigay ng wheelchair ang City Social Welfare and Development Office sa mga senior citizens sa lungsod ng Angeles nito lamang Huwebes, ika-27 ng Oktubre 2022.
Ang naturang aktibidad ay sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Carmelo Lazatin Jr., kasama ang City Social Welfare Development Office ng Angeles City.
Umabot sa anim na senior citizens ang nabigyan ng libreng wheelchair.
Layunin nito na matulungan ng pamahalaan ng Angeles City ang mga senior citizens na may karamdaman dala ng kanilang pagtanda.