18.2 C
Baguio City
Wednesday, May 21, 2025
spot_img

WASAR Training, isinagawa ng PDRRMO sa PeƱablanca

Nagsagawa ng limang araw na pagsasanay sa Water Search and Rescue training ang PDRRMO sa bayan ng PeƱablanca, Cagayan nito lamang Lunes, ika-19 ng Mayo 2025.

Ayon kay Marivell Orje ng PDRRMO, sampung kawani ang kalahok, handang matuto at umangkin ng kaalaman katuwang ang mga interns ng TFLC kasama ang labindalawang tagapagsanay.

Hindi lang kasanayan, kundi lectures din ang ibinahagi patungkol sa emergency response, CPR, BLS, at first aid sa sugat man o bali ay tinatalakay nang mabuti upang buhay ay mailigtas lagi.

Nagkaroon rin ng pagtuturo gamit ang tamang kagamitan, Flotation device, rescue rope, pati na ang water assessment. May simulation din na isasagawa upang masanay sa aktuwal na sitwasyon, hindi lamang sa salita.

Layunin nitong lakasan pa ang kakayahan ng bawat tao. Sa gitna ng panganib ay may handang rumesponde na may alam, tapang, at gamit na PPE.
Para sa Cagayan, ito ay isang hakbang patungo sa higit na kaligtasan muli.

Source: Cagayan Provincial Information Office

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles