19.6 C
Baguio City
Sunday, January 19, 2025
spot_img

Walang Plastikan-Plastik Palit Bigas Project ng Angeles City LGU, muling umarangkada

Muling umarangkada at sako-sakong plastik ang dala-dala ng mga residente bilang tugon sa Walang Plastikan-Plastik Palit Bigas Project ng Angeles City Local Government Unit sa Barangay Capaya, Angeles City nito lamang Lunes ika-6 ng Nobyembre 2023.

Ito ay sa ilalim ng proyekto ni Hon. Carmelo Lazatin Jr., Mayor ng Angeles City.

Kilo-kilong bigas ang natanggap ng ating mga kababayan mula sa kanilang nakolektang basura.

Kapag masipag sa pangongolekta ng mga recyclables na mga basura ay may masasaing, dahil kapalit ng isang kilong plastik ang isang kilong bigas.

Malaking tulong ito sa mga Angeleños sa kanilang pang araw-araw na pagkain at bawas na rin sa mga gastusin.

Layunin din ng naturang proyekto na mabawasan ang mga plastik na nakakalat at maiwasan ang pagbabara sa mga kanal dulot ng basura.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles