Patuloy ang pag-arangkada ng Walang Plastikan-Plastik Bigas Project para sa mga residente ng City Hall Compound, Angeles City nito lamang Lunes, ika-3 ng Hulyo 2023.
Ang proyektong ito ay inilunsad ng Pamahalaang Lungsod ng Angeles City kung saan ipinapalit ng mga residente ang isang kilong plastik para sa isang kilong bigas.
Ito ay sa ilalim ng pamumuno ni Hon. Carmelo Lazatin Jr., City Mayor katuwang ang mga tauhan ng Angeles City Environment Management System.
Ang nasabing proyekto ay naglalayong mabawasan ang mga plastik na nagdudulot ng polusyon sa kapaligiran.