14.5 C
Baguio City
Saturday, November 23, 2024
spot_img

Walang Plastikan-Plastik Palit Bigas Project, muling umarangkada

Muling umarangkada ang Walang Plastikan-Plastik Palit Bigas Project ng Angeles City Local Government Unit (LGU) sa Barangay Salapungan, Angeles City, Pampanga nito lamang Biyernes, ika-10 ng Mayo 2024.

Ito ay sa ilalim ng pamumuno ni Hon. Carmelo Lazatin Jr., Mayor ng Angeles City.

Ayon sa Punong Tagapayo ng Mayor, ang pamahalaang lungsod ay nangangalap ng mga maire-recycle na plastik mula sa mga tahanan ng mga Angeleño upang gawing brick pavers.

Isang kilong maire-recycle na plastik ay kapalit ng isang kilo ng bigas na labis na ipinagpasalamat ng mga residente.

Malaking tulong ito sa mga Angeleños sa kanilang pang-araw-araw na pagkain at bawas na rin sa mga gastusin.

Layunin ng naturang proyekto na hikayatin ang kanilang mga nasasakupan ang kahalagahan ng waste segregation at mabawasan ang paggamit ng mga plastik.

Naglalayon din ito na mapabuti ang kalidad ng buhay ng mga tao sa pamamagitan ng pag-iwas sa mga mapanganib na kemikal at pagtataguyod ng mas malinis na kapaligiran para sa mga susunod na henerasyon.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles