20.1 C
Baguio City
Sunday, January 19, 2025
spot_img

Walang Plastikan-Plastik Palit Bigas Project, muling isinagawa

Isinagawa ang Walang Plastikan-Plastik Palit Bigas Project ng Angeles City Local Government Unit (LGU) sa Barangay Lourdes Sur East, Angeles City, nito lamang Biyernes, ika-17 ng Mayo 2024.

Ang naturang programa ay inisyatibo ng lokal na pamahalaan ng Angeles City sa ilalim ng pamumuno ng butihing ama ng lungsod na si Hon. Carmelo Lazatin Jr., Mayor ng Angeles City.

Bawat isang kilong maire-recycle na plastik na gagawing brick pavers ay may kapalit na isang kilo ng bigas.

Labis na ipinagpasalamat ng mga residente ang tulong na ito sapagkat malaking tulong ito sa kanilang pang-araw-araw na pagkain at bawas na rin sa mga gastusin.

Layunin ng naturang proyekto na hikayatin ang kanilang mga nasasakupan ang kagalagahan ng waste segregation at mabawasan ang paggamit ng mga plastik.

Naglalayon din ito na mapabuti ang kalidad ng buhay ng mga tao sa pamamagitan ng pag-iwas sa mga mapanganib na kemikal at pagtataguyod ng mas malinis na kapaligiran para sa mga susunod na henerasyon.

Source: Angeles City Information Office

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles