14.4 C
Baguio City
Monday, November 25, 2024
spot_img

Visually-impaired University of Baguio Student, nakapasa sa 2022 Bar Exam

Kinilala ngayon ang kauna-unahang visually-impaired alumnus ng University of Baguio (UB) na nakapasa sa 2022 Bar Exams.

Si Anthony Mark Dulawan Emocling na isa sa mga naging estudyante ng Mayor ng Narvacan, Ilocos Sur, Mayor Pablito V. Sanidad Sr., na isa ring Bar Topnotcher noong 1967 at dati ring Dean ng UB School of Law.

Sa kwento ni Anthony Mark ay kanyang ibinahagi na noong bata siya ay una niyang naging pangarap ang maging isang pulis subalit noong nawala ang kanyang paningin ay nabaling ang kanyang atensyon sa mga napapakinggan niyang mga abogado sa radyo at sa kung paano sila magsalita at ipinapaliwag ang mga bagay-bagay.

Aminado naman si Mark Anthony na hindi naging madali ang lahat dahil sa kanyang kalagayan, maraming hamon ang kanyang naranasan subalit laking pasasalamat niya dahil hindi siya iniwan at pinabayaan ng kanyang pamilya sa kanyang pag-abot sa kanyang pangarap.

“Believe that you can do the dreams that you put in your heart. Set a goal and make it happen. There will be failures along the way but use it as a guide to motivate you to reach your dream,” saad ni Mark Anthony.

Isang patunay na walang anuman o sinuman ang makakahadlang sa isang taong pursigido, desidido at may pangarap sa buhay anumang hirap at pagsubok ang kanyang kinakaharap.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles