Nadiskubre ng mga otoridad ang isang vintage bomb sa likod na bahagi ng Technical Vocational School sa Bimpal, Lamut, Ifugao nito lamang ika-15 ng Disyembre 2023.
Ang nasabing ordnance ay nadiskubre ng isang empleyado ng nasabing paaralan na umihi sa likod ng gusali, kung saan napansin niya ang isang nakausling metal na agad nyang pinaghinalaan na isang vintage bomb.
Agad naman itong ipinaalam sa isa sa mga guro upang iulat sa tanggapan ng Lamut Municipal Police Station.
Samantala, agarang nakipag-ugnayan ang mga tauhan ng Lamut PNP sa Provincial Explosive and Canine Unit upang beripikahin at respondehan ang naturang ulat.
Narekober ng responding team mula sa PECU ang isang (1) piece cartridge, 81 mm illuminating high explosive bomb.
Muli namang hinikayat ng Lamut PNP ang publiko na agad iulat kung makakita ng anumang kahina-hinalang bagay upang maiwasan ang anumang posibleng aksidente na maaaring maidulot nito.