Nitong kasalukuyang linggo ng Oktubre 2022 ay pormal nang binuksan sa publiko ang Vigan City Night Market bilang bahagi ng Raniag Vigan Twilight Festival 2022.
Dinagsa ito ng mga tao mula sa mga iba’t ibang bayan ng Ilocos Sur at maging ang mga taga-Abra na karatig-probinsya para lumahok sa pagbubukas ng nasabing Night Market.
Para sa mga Bigueño, maituturing na isang tagumpay ang muling pagbubukas ng nasabing Night Market pagkatapos ng ilang taong pagkawala nito dahil sa pandemya.
Ang nasabing Night Market ay matatagpuan sa Alcantara Street, Vigan City, Ilocos Sur partikular sa harap mismo ng Vigan City Public Market.
Bukas ito mula alas dies ng gabi at ito ay magtatagal hanggang ika-5 ng Nobyembre ng kasalukuyang taon.
Source: Vigan City Tourism-