Sumuko sa mga awtoridad ang isang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Cassamata Hill, Bangued, Abra nito lamang ika-11 ng Setyembre 2023.
Kinilala ng mga awtoridad ang sumuko na si alyas “Friedie”, magsasaka, dating Team Leader at Vice Squad leader ng KLG North Abra, native ng Ud-udiao, Sallapadan, Abra at residente ng Sunnyside, Fairview, Baguio City.
Kasabay na isinuko ni “Fredie” ang 12-gauge homemade shotgun na may isang magazine at isang bala.
Nanawagan naman ang pamahalaan sa mga natitira pang miyembro ng NPA na sumuko at magsimulang muli kasama ang kanilang pamilya na malayo sa gulo at karahasan na hatid ng maling ideolohiya.