Muling inilunsad ng Department of Agriculture-Regional Field Unit 2 ang Veggie Valentine’s Project upang muling ipalaganap ang kahalagahan ng pagtatanim ng gulay sa ilalim ng High Value Crops Program sa Tuguegarao City, Cagayan nitong Enero 12, 2024.
Ang Veggie Valentine’s Project ay isang proyekto kung saan binibigyang diin ang paggamit ng mga gulay sa pagsasaya at pagdiriwang ng Valentine’s Day.
Ito ay isang paraan ng pagpapakita ng pagmamahal sa pamamagitan ng pag-aalaga sa kalusugan at nutrisyon.
Itinaon ang aktibidad sa kanilang regular Monday Convocation upang hikayatin ang lahat na tangkilikin ang ating sariling produktong gulay ngayong selebrasyon ng Valentine’s Day.
Ito na ang ikatlong taon na ginagawa ang proyektong paggawa ng vegetable bouquet sa bawat selebrasyon ng Valentine’s Day.
Layunin ng proyekto ang pagtampok sa nutrisyon at pagbigay-diin sa kahalagahan ng pagkain ng gulay bilang bahagi ng malusog na pamumuhay.
Source: Department of Agriculture Region II