Pinangunahan ng Pamahalaang Lungsod ng Tarlac ang paglilinis sa mga pampublikong lugar ng naturang lungsod nito lamang Huwebes, ika-2 ng Pebrero 2023.
Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ng mga tauhan ng City Environment and Natural Resources Office sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Cristy Angeles.
Nilinis ang lugar sa pamamagitan ng pagwalis at tinanggal ang mga basura na nakatambak sa mga pampublikong lugar ng lungsod.
Patuloy ang Pamahalaang Lungsod ng Tarlac sa pagpapanatili ng kalinisan ng nasasakupan upang masiguro ang kaligtasan ng mga mamamayan.