Natagpuang wala ng buhay ang isang babaeng vegetable vendor sa loob mismo ng kanyang bahay sa Purok 8, Sampaguita Site, San Luis Extension, Baguio City noong ika-11 ng Hulyo 2023.
Kinilala ng Baguio City PNP ang bangkay na si Floradel Ocap De Mesa, 39 anyos, vegetable vendor at residente ng nasabing lugar.
Bandang 5:10 ng umaga nang umuwi ang anak ng biktima sa kanilang bahay at tinawag ang kanyang ina para pagbuksan ng pinto ngunit walang sumagot.
Kaya pwersahang binuksan ang pinto ng kanyang anak at doon tumambad ang nakahandusay na katawan ng kanyang ina na naliligo sa sariling dugo.
Samanta, patuloy naman ang mga awtoridad sa malalim na imbestigsyon upang mapanagot ang mga salarin sa likod ng pagkamatay ng biktima