Nagpahayag ng suporta ang mga Valley Cops kay Police Brigadier General Steve B Ludan, Police Regional Office 2 Regional Director sa PRO 2 Regional Headquarters, Camp Marcelo H Adduru, Tuguegarao City Cagayan noong Hulyo 4, 2022.
Isang manifesto ang pinirmahan na pinangunahan ni Police Brigadier General Romaldo G Bayting, Deputy Regional Director for Administration (DRDA) ng PRO 2 kasabay sa Traditional Monday Flag Raising Ceremony.
Nakalahad sa nasabing manifesto ang matibay na suporta at pakikiisa sa bawat programa at aktibidad ni PBGen Ludan para sa pagpapanatili ng kaayusan at katahimikan ng buong rehiyon.
Dagdag dito, napapataas din nito ang moral at kapakanan ng mga miyembro ng Valley Cops, at nabibigay nito ang lahat ng logistical at financial na pangangailangan ng bawat unit na sakop ng rehiyon.
Samantala, sa binasang manifesto ni Police Colonel Ramil Saculles, Deputy Regional Director for Operations na nagmula sa Northern Luzon Alliance House of Representative, nabanggit dito na ang Crime Prevention efforts ng PRO 2 ang naging dahilan upang bumaba sa 69.93% ang Crime Rate ng rehiyon kumpara noong nakaraang taon base sa PRO 2 annual accomplishment report 2021.
Nabanggit din na dahil sa pamumuno at dedikasyon ni PBGen Ludan, nagkaroon ng katahimikan at kaayusan ang buong rehiyon, nakamit ang maayos at matagumpay na 2022 National at Local Election.
Dumalo at nakiisa din sa aktibidad ang limang Provincial Directors, City Directors at Force Commander ng Regional Mobile Force Company 2.
Ang Valley Cops ay magpapatuloy sa paglilingkod sa bayan at hindi magpapatinag sa puna at kritisismo ng publiko upang mapaglingkuran at laging handang pagsilbihan ang bawat mamamayan.
Source: Cagayan Police Provincial Office