Pormal na tinanggap ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan ang mga medical supplies at rescue assets mula sa US Embassy Affairs sa isang programa na naganap nito lamang Miyerkules, Setyembre 28, 2022 sa Cagayan Sports Complex, Tuguegarao City.
Nakatanggap ang lalawigan ng tatlong bangka pro skipper 470 rescue series inflatable boat, dalawang canopy inflatable boat, medical supplies kasama ang 500 isolation gowns, tatlong medical tent, face shields, at mga bitamina.
Sinabi ni Capt. Stephen Coleman, Team Leader ng U.S. Embassy Civil Affairs Team na ang pagbibigay nila ng tulong ay bahagi ng selebrasyon ng 75th Philippine-U.S. Diplomatic Relations at pagpapakita ng kanilang pakikiisa at matibay na ugnayan sa Provincial Government ng Cagayan.
Samantala, pinasalamatan naman ni Atty. Mabel Villarica-Mamba at Provincial Disaster and Risk Reduction Management Office (PDRRMO) Officer-In-Charge Rueli Rapsing ang grupo. Anila, malaking tulong ang mga ito sa lalawigan na madalas na sinasalanta ng mga bagyo.
Nakatakdang ibigay sa Philippine Coast Guard ang isang bangka atmananatili sa opisina ng PDRRMO ang dalawa. Ang mga medical supplies naman ay ibibigay sa mga district hospital sa lalawigan.
Source: Cagayan PIO