Boluntaryong isinuko ng isang retiradong empleyado ang kanyang Unrenewed Firearm sa mga otoridad sa Poblacion, Calanasan, Apayao nito lamang Pebrero 17, 2023.
Ang isinukong armas ay isang FEG Cal. 9mm, pistol na may serial no. 68823.
Ang pagsuko ng nasabing armas ay kaugnay sa Oplan Katok at best practice ng Calanasan Municipal Police Station na “annaw ya palattug” o ang “Weapon Free Order of 2011”.
Ang Oplan Katok ay isang Programa ng PNP na naglalayong maprotektahan ang mga nagmamay-ari ng baril sa kasong pwede nilang kaharapin kung sakaling hindi makapagrenew ng lisensya o permit. Maaaring isuko ng may-ari ang kanyang baril para sa safekeeping.
Ang mga lalabag sa Oplan Katok ay maaari ding lumabag sa Republic Act 10591 or Comprehensive Firearms Law na magkakaroon ng karampatang parusa.