Nagsagawa ng Unity Walk ang Bayan ng Tumauini kaugnay sa papalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections na ginanap mismo sa naturang bayan nitong ika-6 ng Oktubre 2023.
Nagsimula ang Unity Walk sa Tumauini Public Market at ito ay nagtapos sa Municipal Hall ng Tumauini.
Ito ay nilahukan ng mga kandidato sa paparating na halalan, mga municipal officials sa pangunguna ni Mayor Venus T. Bautista, Tumauini Municipal Police Station sa pangunguna ni Major Charles Cariño, COMELEC na kinatawan ni Ma. Francisca A. Tumaliuan, DILG-MLGOO Angel Zinampan, at mga kinatawan mula sa iba’t ibang sektor at ahensya sa Tumauini.
Bilang simbolo ng pagsusulong ng mapayapa at maayos na eleksyon, nagkaroon ng simple ngunit makahuluhang programa na nagtapos sa pagpirma ng peace covenant.