20.1 C
Baguio City
Sunday, January 19, 2025
spot_img

Unang batch ng Balay Silangan Reformist nagtapos sa Bataan

Nagtapos ang unang batch ng Balay Silangan reformist sa SB Hall ng Hermosa, Bataan nito lamang ika-12 ng Hulyo 2022.

Naging saksi sa pagtapos ng mga reformist ang Provincial Drug Enforcement Agency Central Luzon na kinatawan ng Chief Operation Division kasama ang PDEA Bataan Provincial Office sa pangunguna ni Iav John Jerme T Almerino, pamahalaang lokal ng Hermosa sa pangunguna ni  Mayor Antonio Joseph “Jopet” Rivera Inton at Hermosa Police Station sa pamumuno ni Police Major Emerson L Coballes.

Ang Balay Silangan ay isang reformation program na nagsisilbing pansamantalang kanlungan ng mga sumukong drug personalities.

Ang programa ay nagbibigay ng pagpapayo at kabuhayan na may layuning tulungan ang mga nagkasala laban sa ilegal na droga na maging produktibo, at masunurin sa batas na mga mamamayan bago muling ibalik sa komunidad.

Nagtapos ang aktibidad sa isang mensahe na ibinigay ni PMaj Coballes kung saan hinikayat niya ang mga nagsipagtapos na tuluyan ng talikuran ang droga at suportahan ang programa ng gobyerno.

Source: Hermosa Pcr

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles