13.5 C
Baguio City
Sunday, January 19, 2025
spot_img

Umbrella Rocks ng Sabangan Beach sa Agno, Pangasinan

Isa sa ipinagmamalaking atraksyon sa Agno, Pangasinan ay ang Umbrella Rocks. Ito ay ang naglalakihang bato na tila hugis payong na makikita sa Sabangan Beach sa bukana ng Balincaguing, Barangay Sabangan.

Ang dambuhalang payong o tila kabute ay nabuo sa pamamagitan ng walang tigil na paghampas ng mga alon sa dalampasigan sa paglipas ng mga siglo.

Bukod sa umbrella rocks, isa ring dagdag na atraksyon ng Sabangan Beach ay ang magagandang korales at iba’t ibang lamang dagat.

Bilang napapaligiran ng malinaw na asul na tubig, ito ay isang perpektong lugar para sa swimming, snorkeling, at diving.

Matatagpuan din dito ang lumang lighthouse o parola na kung saan makikita mo ang malawak na tanawin ng karagatan.

Ang Umbrella Rocks maging ang Sabangan Beach ay magandang pasyalan ngayong panahon ng tag-init. Ang lugar na ito ay malayo sa polusyon, sariwa ang hangin na kung saan napakasarap pagmasdan ang ating mga likas na yaman.

Source: ilovepangasinan.com

Related Articles

1 COMMENT

Comments are closed.

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles