22.5 C
Baguio City
Tuesday, January 21, 2025
spot_img

Ugnayan Development Fair ng Kaya Natin! Movement for Good Governance and Ethical Leadership, dinaluhan ng Mayor ng Bacnotan, La Union

Dinaluhan ni Mayor Divine Fontanilla ang Ugnayan Development Fair Ng Kaya Natin! Movement for Good Governance and Ethical Leadership na idinaos sa Paranaque City nito lamang ika-19 ng Oktubre 2023.

Nakibahagi rin sa naturang pagtitipon ang mga alkalde, mambabatas, lider-kabataan, ilang National Government Agencies, Non-Government Organizations at iba pang grupong may layuning palakasin ang pakikipag-ugnayan at pagtulong sa kapwa.

Pinapahalagahan ng programa ang nakasaad sa Philippine Development Plan na mahalagang pag-ibayuhin ang kolaborasyon, pakikiisa at pakikipag-ugnayan upang magpatuloy ang pag-unlad.

Samantala, nakaangkla rin dito ang bisyon ni Mayor Divine na paigtingin ang koordinasyon ng lokal na pamahalaan, publiko, at pribadong sektor upang mapalawak ang naaabot ng hataw, at tapat na serbisyong publiko.

Kinuha ni Mayor Divine ang pagkakataon kasama si Municipal Agriculturist Dr. Divina Apigo, at Municipal Youth Development Officer Marc Jandel Buccat na makakuha ng koneksyon upang maihatid ang mga bagong programa sa bayan na tiyak na makatutulong sa bawat residente ng Bacnotan, La Union.

Ilan sa mga natalakay: The Role of Good Governance in Powering Social Development, Protection and Innovation, Sustainable Local Food Systemss, Sustainable Local Health Systems, at Sustainable Local Education Systems.

Patuloy naman ang mga namumuno sa lokal na pamahalaan ng Bacnotan, La Union sa pagpaplano at pagsasagawa ng mga aktibidad kung saan may layunin na iangat pa ang pamumuhay ng kanilang nasasakupan.

Source: Bacnotan, La Union

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles