23.9 C
Baguio City
Thursday, March 6, 2025
spot_img

Turnover Ceremony ng Barangay Access Road sa Bayan ng Sta. Praxedes, Cagayan isinagawa ng DSWD FO2

Upang higit na matugunan ang pangangailangan ng komunidad, isinagawa ng Kagawaran ng Kagalingan at Pagpapaunlad Panlipunan Rehiyon Dos (DSWD FO2), sa ilalim ng programang Kapit-Bisig Laban sa Kahirapan-Comprehensive and Integrated Delivery of Social Services Congressional Initiative (KALAHI-CIDSS-CI) ang isang turnover ceremony sa katatapos lamang na barangay access road, concreting of box culvert at line canal sa bayan ng Sta. Praxedes, Cagayan.

Pinangunahan ni DSWD FO2 Regional Director Lucia Suyu-Alan ang nasabing aktibidad, ang ilan sa mga opisyal ng lokal na pamahalaan ng bayan, maging mga opisyal ng barangay Centro Uno na nakakasakop sa nasabing access road.

Kasama sa mga dumalo sa nasabing seremonya ang mga kawani mula sa DSWD Regional Office OIC- Promotive Services Division na sina Pasencia T. Ancheta, Nuel Mabatan-Community Development oOficer IV, Jonathan Libatique-Regional infrastructure officer III, at Hazel Taccatan-Adminiatrative Aide III.

Binigyang diin ni RD Alan na ”higit sa physical project ang pinakaimportante ang involvement o ang pagtutulungan ng bawat miyembro ng nasabing barangay sa komunidad upang makamit ang inaasam na magkaroon ng isang maayos na daan, pangarap na magkaroon ng pang ekonimyang aktibidad at pangarap na umunulad ang isang komunidad.”

Sa mensahe ni Mayor Esterlina Aguinaldo ng nasabing bayan, isang malaking ambag sa kanilang lokalidad ang pagkakaroon ng access road sa nasabing Barangay, magsisilbi itong farm to market road na kapaki-pakinabang sa mga magsasaka mamumuhunan at mga residente sa lugar dahil tiyak at episyenteng trasportasyon ng produktong pang-agrikultura at pagpahusay sa paggamit ng iba pang mahahalagang serbisyo.

Source: DSWD Region 2

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles