14 C
Baguio City
Monday, January 20, 2025
spot_img

Turn-over ng multi-purpose drying pavement at rice transplanter sa mga magsasaka, isinagawa sa Alaminos, Pangasinan

Isinagawa ang Turn-over ng multi-purpose drying pavement at rice transplanter sa mga magsasaka sa Brgy. Tawin-tawin, Alaminos, Pangasinan nito lamang ika-14 ng Marso 2023.

Pinangunahan ni Mayor Arth Bryan C. Celeste ang aktibidad at mga miyembro ng Samahang Magsasaka ng Brgy. Tawin-tawin, na isa sa mga pinaka-aktibo, nagkakaisa at award-winning farmers association sa lungsod ng Alaminos.

Ang LGU ng Alaminos ay pinonduhan ang kanilang post-harvest facility, mga karagdagang farm machineries, farm inputs, training-seminars at iba pang farm assistance para sa ating mga magsasaka na bahagi ng komprehensibong programa.

Layunin nito na mas mapabuti pa ang sector ng agrikultura sa lungsod ng Alaminos at maingat ang antas ng pamumuhay ng ating mga magsasaka.

Kasabay din nito ang blessing at turn-over sa dalawang proyekto sa pagtatapos ng Climate Resilience Farm Business School na isinagawa ng City Agriculture Office katuwang ang DA-Regional Field Office 1 kung saan natutunan ng mga farmer-participants ang nutrient management, farm to business approach, records keeping, assessment, processing and hands-on operation at mga karagdagang kaalaman para sa pagpapabuti ng kanilang sakahan.

Panulat ni Manlalaklbay Source LGU-Alaminos

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles