Isinagawa ang turn over at inauguration Sa matagumpay na pagkakakumpleto ng Pekchay-Pangarwis Farm to Market Road (FMR) sa ilalim ng Local Government Support Fund – Support to Barangay Development Program (SBDP) nito lamang Nobyembre 26, 2024.
Ang proyekto na nagkakahalaga ng ₱4,000,000 ay naglalayong mapabuti ang transportasyon para sa mga magsasaka ng Barangay Tocucan.
Magiging mas madali na ang kanilang pag-access sa mga sakahan sa mga lugar tulad ng Liwliw, Akhay, Pakkil, Intikay, Fukho, at Lu-hok. Sa pamamagitan nito, mas magiging magaan at mabilis para sa mga magsasaka ang pagbiyahe patungo sa kanilang mga palayan at pagbabalik ng kanilang aning palay upang maipagbili sa pamilihan.
Dumalo sa seremonya ang mga kinatawan mula sa Department of the Interior and Local Government (DILG) na pinangunahan ni DILG Provincial Director Evelyn Trinidad.
Kasama rin sa mga dumalo sina Municipal Administrator Eric Fulangen Sr., Municipal Local Government Operations Officer (MLGOO) Lourdes Claire Peel, mga opisyales ng Barangay Tocucan, at mga tauhan mula sa Municipal Engineering Office.
Patuloy ang pamahalaan sa pagpapa-unlad sa larangan ng agrikultura at isa na dito ang pagsiguro sa maayos na mga kalsada para sa kalidad at preskong gulay at prutas ng ating magsasaka. Panulat ni: Ifontok