19.6 C
Baguio City
Sunday, January 19, 2025
spot_img

TUPAD pay-out, isinagawa ng DOLE RO1 sa 132 beneficiaries sa Alaminos City, Pangasinan

Isinagawa ng Department of Labor and Employment Region 1 (DOLE RO1) ang payout sa 132 beneficiaries mula sa iba’t ibang barangay ng Alaminos City, Pangasinan nitong ika-3 ng Nobyembre 2022.

Ang Tulong Pangkabuhayan para sa Ating Disadvantaged/Displaced (TUPAD) individuals ay programa ng Department of Labor and Employment katuwang ang pamahalaang panlalawigan sa liderato ni Governor Ramon Mon-Mon Guico III na kinatawanan ni 1st District Board Member Apolonia de Guzman Bacay.

Bawat isang benepisyaryo ay nakatanggap ng 3,700 pesos kapalit ng kanilang 10 araw na paglilinis ng kani-kanilang mga barangay. Labis ang pasasalamat ng mga benepisyaryo at kanilang pamilya sa kanilang natanggap mula sa DOLE.

Kasama rin sa aktibidad sina Alaminos City Mayor Bryan Celeste, Field Office Head, DOLE – Western Pangasinan Field Office Darwin G. Hombrebueno at Officer-In-Charge, Pangasinan Provincial Employment Services Office (PESO) Manager Ma. Richelle M. Raguindin.

Ang lahat ng adhikain ng ating gobyerno ay magiging matagumpay kung lahat ng ahensya ng gobyerno at mamamayan ay may pagtutulungan.

Source: Province of Pangasinan

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles