Patuloy ang pagsubaybay ng Department of Labor and Employment (DOLE) Central Pangasinan Field Office sa mga benepisyaryo ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) program, katuwang ang Public Employment Service Office (PESO) ng Bayambang nito lamang Nobyembre 19, 2024.
Isinagawa ang inspeksyon ng team sa ilang barangay sa Bayambang, kabilang ang M.H. Del Pilar, Magsaysay, Bacnono, Ataynan, Buenlag 2nd, Sapang, at Tamaro.
Ang TUPAD ay isang emergency employment program ng DOLE na naglalayong bigyan ng pansamantalang hanapbuhay ang mga manggagawang naapektuhan ng mga sakuna, kalamidad, o krisis.
Sa ilalim ng programang ito, ang mga benepisyaryo ay karaniwang tumutulong sa mga proyekto tulad ng paglilinis ng komunidad o rehabilitasyon ng imprastruktura sa kanilang lugar.
Patuloy ang pagtutok ng DOLE at PESO-Bayambang upang masigurong napapakinabangan nang lubos ng komunidad ang programa, at naipapamahagi nang wasto ang mga benepisyo.
Source: Balon Bayambang