Namahagi ng tulong pinansyal ang Pamahalaang Lungsod ng Angeles sa 24 na kabahayan na naapektuhan ng Bagyong Carina noong Hulyo mula sa Barangay Pampanga nito lamang ika-28 ng Oktubre 2024. Pinangunahan ito ni Mayor Carmelo “Pogi” Lazatin, Jr., ng Angeles City, kasama ang mga opisyal ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD).
Isang pamilya na nawalan ng mahal sa buhay ay nakatanggap ng P30,000 habang 23 na indibidwal ang tumanggap ng P10,000 bawat isa mula sa DHSUD.
Ang pagbibigay ng tulong pinansyal ay isang mahalagang hakbang upang matulungan ang mga pamilyang naapektuhan ng bagyo na makabangon muli.
Patuloy na nagsusumikap ang lokal na pamahalaan ng Angeles City upang tiyakin na ang bawat residente ay makatanggap ng kinakailangang suporta sa panahon ng kalamidad.