18.6 C
Baguio City
Sunday, November 24, 2024
spot_img

Tulong pinansyal sa mga Mexicano, hatid ng pamahalaan ng Pampanga

Nagbigay ng tulong pinansyal ang Pamahalaang Lungsod ng Mexico, para sa mga Mexicano sa Barangay Dolores Piring, Mexico, Pampanga nito lamang Sabado, ika-6 ng Abril 2024.

Ito ay pinamunuan ni Mayor Rodencio “Ruding” Gonzales ng Mexico kasama ang ilang miyembro ng Sangguniang Bayan na sina Councilor Atty. Angela Pangan at Councilor Allan Onofre at Municipal Administrator na si Dr. Jonathan Pangan.

Ayon sa ulat, nakatanggap ng tulong pinansyal ang 52 benepisyaryo para pangsuporta sa kanilang pangangailangang medikal.

Ang pagpapatupad ng mga ganitong programa ay nagpapakita ng pagmamalasakit sa ating mamamayan tungo sa mas progresibong lipunan.

Patuloy ang paghahatid ng serbisyo at pakikibahagi sa iba’t ibang programa ng ating pamahalaan lalo na sa sektor ng kalusugan upang mabigyan ng suporta ang mga mamamayan para sa kanilang kalusugan.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles