15.4 C
Baguio City
Tuesday, September 17, 2024
spot_img

Tulong pinansyal para sa mga nasalanta ng bagyong Karding sa Aurora handog ng DSWD

Nagpaabot ng tulong pinansyal ang pamahalaan sa pamamagitan ng Department of Social Welfare and Development sa lalawigan ng Aurora nito lamang Lunes, ika-26 ng Setyembre 2022.

Pinangunahan ni Sec. Erwin Tulfo, Secretary ng Department of Social Welfare and Development, ang pamimigay ng tulong pinansyal sa mga nasalanta ng bagyong Karding sa naturang lugar.

Umabot sa 400 na pamilya na labis na naapektuhan ng bagyo ang naabutan ng limang libong piso mula sa pamahalaan.

Patunay na ang pamahalaan ay patuloy na nagbibigay ng tapat na serbisyo sa mamamayang Pilipino lalo na sa panahon ng kalamidad.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles