16.2 C
Baguio City
Tuesday, November 26, 2024
spot_img

Tulong pinansyal para sa mga mag-aaral handog ng Lokal na Pamahalaan ng Candelaria

Nagbigay ng tulong pinansyal ang Lokal na Pamahalaan ng Candelaria para sa 10 mag-aaral sa bawat pampublikong paaralan sa Bayan ng Candelaria, Zambales nito lamang Huwebes, ika-25 ng Enero 2024.

Matagumpay na ipinaabot ang tulong pinansyal na Iskolar Ni Kuyang Nok (INK) Program sa pamununo ni Hon. Byron Jones Edquid Edquilang, butihing alkalde ng naturang lugar.

Ang mga piling 10 mag-aaral ay galing sa Lauis National High School, Pamibian Integrated School, Candelaria School of Fisheries at Uacon Integrated School.

Ang Iskolar Ni Kuyang Nok (INK) Program ay mula sa inisyatibo ni Hon. Mayor Byron Jones “Kuyang Nok” Edquilang, kung saan 10 sa bawat paaralan sa bayan ang nabibigyan ng tulong bawat buwan.

Layunin ng programang ito ang magbigay ng suporta at inspirasyon sa mga estudyante at kabataan ng Candelaria.

Patuloy ang Lokal na Pamahalaan ng Candelaria na mag-abot ng tulong sa mga mag-aaral upang maalalayan na maabot ang kanilang mga pangarap.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles