Nagbigay ng tulong pinansyal ang Pamahalaang Lungsod ng Pampanga sa mga magsasakang naapektuhan ng sakuna sa bayan ng San Simon at Apalit Pampanga nito lamang Lunes, ika-24 ng Hunyo 2024.
Pinangunahan ito ni Governor Dennis “Delta” Pineda kasama sina 4th District Congresswoman Anna York Bondoc-Sagum, Mayor JP Punsalan, Vice Mayor Peter Nucom, Board Member Pol Balingit, Special Assistant to the Governor at PDRRMO Chief Angelina Blanco, Office of the Provincial Agriculturist OIC Jimmy Manliclic, Acting PSWDO Fe Manarang, at iba pang opisyal mula sa mga nasabing bayan.
Nakatanggap ng tulong pinansyal ang 500 benepisyaryo at food packs para pangsuporta sa kanilang pang araw-araw na pangangailangang dahil sa naranasang sakuna.
Ang pagpapatupad ng mga ganitong programa ay nagpapakita ng pagmamalasakit sa ating mamamayan tungo sa mas progresibong lipunan.
Patuloy ang pamahalaan ng Pampanga sa paghahatid ng serbisyo sa kanilang nasasakupan upang matugunan ang kanilang pangangailangan sa lahat ng aspeto.