20 C
Baguio City
Monday, March 3, 2025
spot_img

Tulong pinansyal ng DSWD, ipinamahagi sa mga IPs sa Bulacan

Namahagi ng ₱3,000 tulong pinansyal para sa mga Indigent People (IPs) sa ilalim ng programang Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) ng Department is Social Welfare and Development sa Lungsod ng Malolos, Bulacan nito lamang ika-28 ng Pebrero 2025.

Sa pamamagitan ng tanggapan ni Senator Risa Hontiveros, katuwang ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region III at City Administrator ng Pamahalaang Lungsod ng Malolos, ay matagumpay na naipamahagi ang tulong pinansyal sa 332 Indigent na Malolenyos.

Ang AICS ay programa ng DSWD na naglalayon na matugunan ang pangangailangang pinansyal ng  mga pamilya at indibidwal na naapektuhan ng pandemya.

Patuloy namang hinihikayat ng pamahalaan ang mga nangangailangan na lumapit sa DSWD upang alamin kung paano makakakuha ng ganitong tulong pinansyal.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles