17.4 C
Baguio City
Friday, September 20, 2024
spot_img

Tulong pinansyal at subsidiya ng bigas para sa rehistradong Solo Parent, ibinahagi

Nagbahagi ng tulong pinansyal at subsidiya ng bigas para sa mga rehistradong solo parent ang Pamahalaang Lungsod ng Angeles sa Barangay Cuayan, Angeles City nito lamang Miyerkules, ika-14 ng Agosto 2024.

Pinamunuan ni Mayor Carmelo ‘Pogi’ Lazatin Jr., ang pamamahagi ng Php1,000 na tulong pinansyal at limang kilo ng bigas sa pamamagitan ng house-to-house delivery sa 45 rehistradong solo parent.

Mahigit 2,500 rehistradong solo parent mula sa 33 barangay sa lungsod ang makatatanggap ng naturang ayuda.

Pinangunahan ng mga miyembro ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO), sa pamumuno ni Edna Duaso, ang pamamahagi ng tulong pinansyal.

Labis ang pasasalamat ng mga solo parent sa natanggap na tulong pinansyal.

Patuloy na naglalabas ang CSWDO ng mga ID para sa mga miyembro ng komunidad ng solo parent upang magamit ang mga benepisyong nararapat sa kanila.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles