14.6 C
Baguio City
Friday, November 22, 2024
spot_img

Tulong pinansyal at bigas para sa Solo Parent, ibinahagi ng Pamahalaan ng Angeles

Nagbahagi ng tulong pinansyal at subsidiya ng bigas para sa mga rehistradong solo parent ng Pamahalaang Lungsod ng Angeles sa tulong ng City Social Welfare and Development Office sa Barangay Malabanias, Angeles City nito lamang Biyernes, ika-16 ng Agosto 2024.

Pinangunahan ito ni Mayor Carmelo ‘Pogi’ Lazatin Jr., katuwang si Ms. Edna Duaso, miyembro ng CSWDO.

Nakatanggap ng Php1,000 tulong pinansyal at limang kilong bigas ang 35 rehistradong solo parent ng naturang barangay na lubos na ipinagpapasalamat ng mga ito dahil higit na makakatulong sa kanilang pang araw-araw na pangangailangan.

Layunin ng aktibidad na mapagaan ang kanilang mga pasanin, mapabuti ang kanilang kalagayan sa buhay at mabigyan ng suporta upang makamit ang mas maayos na kinabukasan para sa kanilang pamilya.

Patuloy ang pamahalaan ng Angeles na nakikipag-ugnayan sa iba’t ibang ahensya upang matugunan ang mga pangangailangan ng kanilang nasasakupan at magkaroon ng maunlad na pamayanan.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles