Naghandog ang lokal na pamahalaan ng Malolos ng tulong medikal para sa mga Guro at Non-teaching Personnel ng Marcelo H Del Pilar National High School, Malolos, Bulacan nito lamang Huwebes ika- 3 ng Oktubre 2024.
Matagumpay ang aktibidad sa ilalim ng pamumuno ni Honorable Christian D. Natividad, Mayor ng Malolos katuwang ang TeleCure Medical and Diagnostic Center. Tinatayang 300 benepisyaryo ang nakatanggap ng libreng checkup sa mata, laboratory and diagnostic test para sa hemoglobin, uric acid, total cholesterol, fasting blood sugar (FBS) at 12-L ECG, at mga libreng gamot na lubos na ipinagpasalamat ng mga ito. Layunin ng aktibidad na mapanatiling maayos ang kalusugan ng mga guro upang masiguro na sila ay nasa mabuting kalagayang pisikal at mental, na makatutulong sa kanilang pagiging produktibo at epektibo sa pagtuturo.
Ang inisyatibong ito ay isang mahalagang hakbang sa pagkamit ng mas malawak na serbisyong pangkalusugan at pagtulong sa mga nangangailangan tungo sa Bagong Pilipinas.