Matagumpay na ipinamahagi ng Pamahalaang Lokal ng Mariveles sa mga magsasaka at mangingisda ang tulong pang agrikultura sa Mariveles Sports Complex, Bataan nito lamang ika-6 ng Nobyembre 2024.
Pinangunahan ito ni Hon. Aj Concepcion, Mayor ng Mariveles katuwang ang Municipal Agricultural Office, Department of Agriculture Region 3 at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) 3.
Nakatanggap ng 60 sakong pataba ang mga nasalantang magsasaka dulot ng Bagyong Carina, 88 sako ng hybrid seeds sa iba pang magsasaka at 98 tulong-panggatong para sa mangingisda ng nasabing lugar.
Layunin ng aktibidad na tulungan ang mga magsasaka at mangingisda ng bayan sa pagbangon mula sa mga epekto ng kalamidad at sa pagsuporta sa kanilang kabuhayan.
Patuloy na nakikipag-ugnayan ang Pamahalaan ng Mariveles sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno upang matugunan ang pangangailangan ng kanilang nasasakupan at mabigyan ng pag-asa para makapagsimula muli sa hamon ng buhay.