16.2 C
Baguio City
Monday, January 20, 2025
spot_img

Tricycle Operators/Drivers ng San Nicolas, nakatanggap ng Php4,000 na Financial Aid mula sa Pamahalaan ng Ilocos Norte

Nakatanggap ng Php4,000 na financial aid ang mga tricycle operators at drivers mula sa pamahalaan sa San Nicolas, Ilocos Norte nito lamang ika-9 ng Agosto 2022.

Ang aktibidad ay pinangunahan ni Hon. Matthew Joseph Marcos Manotoc, Governor, Ilocos Norte kasama ang mga nahalal na opisyal ng nasabing bayan na pinamumunuan ni Hon.  Angel Miguel L. Hernando, Municipal Mayor sa pamamahagi sa naturang tulong.

Ayon kay Hon. Mayor Hernando, ang 1,250 na benipisyaryo ay mga rehistradong miyembro ng Metro Ilocos Norte Council (MINC). 

Sa kabuuan, mayroon 1,650 tricycle operators/drivers na nakafranchise sa nasabing bayan ngunit prioridad na mabigyan ng unang tulong ang mga nakapagmiyembro sa MINC.

Sa ilalim ng “Pantawid Pasada” program, ang bawat benipisyaryo ay makatatanggap ng health at medical insurance card at cash aid.

Nagsimula noong nakaraang taon ang unang tranche ng Pantawid Pasada program na may kabuuang budget allocation na Php20,000,000 mula sa pamahalaan ng Ilocos Norte, na nakinabang ay mahigit 18,000 tricycle operators/drivers.

Sa rehiyon ng Ilocos, nararamdaman ng mga mamimili ang bigat ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin dulot ng patuloy na krisis sa kalusugan at pagtaas ng presyo ng langis kaya naman puspusan ang paghahanap ng gobyerno ng mga paraan upang masugpo ang epekto ng tumataas na presyo ng langis sa lahat ng sector.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles