19.4 C
Baguio City
Saturday, January 18, 2025
spot_img

TRIB-Youth para sa West Philippine Sea, isinagawa ng NOLCOM sa Baguio City

Matagumpay ang TRIB-Youth para sa West Philippine Sea na isinagawa ng Northern Luzon Command (NOLCOM) sa Malcolm Square, Lower Session Road, Baguio City nito lamang Disyembre 18, 2024.

Ang aktibidad ay pinasimulan ng NOLCOM, Armed Forces of the Philippines, sa pakikipagtulungan ng 1st Civil Relations Group, CRSAFP, Lokal na Pamahalaan ng Lungsod ng Baguio, at National Youth Commission, Region 1 at Cordillera Administrative Region.

Tampok sa mga aktibidad ang masiglang pagsasanib ng mga musikal at kultural na pagtatanghal na naglalayong itaas ang kamalayan at suporta para sa walang dahas na kampanya ng gobyerno ng Pilipinas tungkol sa West Philippine Sea.

Kasabay nito, ipinagdiwang din ang ika-89 na Founding Anniversary ng Armed Forces of the Philippines, na itinatampok ang dedikasyon nito sa pagtatanggol sa soberanya ng bansa at pagbibigay-daan sa mga mamamayan lalo na ang mga kabataan na magsalita para sa interes ng ating bansa.

Ang TRIB ay kumakatawan sa mga likas na katangian ng Kabataang Pilipino: Talented, Responsible, Informed at Brave, na kailangang gamitin ng bansa sa malakas na transpormasyon ng bansa patungo sa bagong Pilipinas. Dumalo sa nasabing aktibidad ang mga local performers mula sa iba’t ibang uniformed services, youth groups, academes, personalities, at sectoral organizations sa Cordillera Administrative Region (CAR), na nagkakaisa sa pagsuporta at pagtataguyod ng mga pagsisikap ng gobyerno sa pangangalaga sa pambansang soberanya at katatagan ng rehiyon.

Samantala, binibigyang-diin ni Baguio City Mayor Benjamin B. Magalong bilang Keynote Speaker ng aktibidad, ang kahalagahan ng paggigiit ng soberanya sa West Philippine Sea upang maprotektahan ang mga interes ng Bansa at matiyak ang hinaharap para sa mga susunod na henerasyon.

“Itong laban natin sa West Philippine Sea ay kailangan ng ating unity or solidarity. Hindi po tayo pwedeng hati-hati dito. Sama-sama po tayo dito. Kailangan po nating ipaglaban ang ating karapatan. Itong West Philippine Sea, ito na po ang future ng ating mga kabataan at ako po ay natutuwa na nagkaroon po tayo ng ganitong aktibidad. Panahon na para manguna ang ating mga kabataan. Panahon na na dapat lumahok ang ating mga kabataan sa paggawa ng desisyon. It is about time that us elders, tayong mga nakatatanda dapat ay marunong na tayong makinig sa ating mga ipinaglalaban ngayon. Atin ang West Philippine Sea. Ito po ang kinabukasan ng ating mga batang henerasyon ngayon. Sama-sama po tayong magkaisa sa laban na ito.” saad ni Mayor Magalong.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles