Muling idinaos ang Tree Planting Activity ng Local Government Unit ng Angeles City sa Watershed Barangay Sapangbato, Angeles City nito lamang Sabado, ika-9 ng Disyembre 2023.
Ang naturang pangangalaga ng kalikasan na pinamunuan ni Hon. Carmelo Lazatin Jr., Mayor ng Angeles City katuwang ang City Environment and Natural Resources Office.
Nagtanim ang bawat indibidwal ng mga iba’t ibang uri ng punongkahoy sa nasabing lugar.
Ito ay naglalayong madagdagan pa ang mga puno na nakatanim at mapangalagaan ang nasabing watershed.
Patuloy ang paghihikayat ng Lokal na Pamahalaan ng Angeles City sa mga private at public sektor sa pagtatanim ng mga punongkahoy sa Angeles City ara maisalba ang naturang watershed para sa susunod na henerasyon.