Tuloy-tuloy na umaarangkada sa pagtatanim ang Angeles City LGU sa pamamagitan ng Tree Planting Activity sa Watershed Barangay Sapangbato, Angeles City nito lamang Biyernes, ika-14 ng Oktubre 2023.
Ang naturang pangangalaga ng kalikasan na pinamunuan ni Hon. Carmelo Lazatin Jr., Mayor ng Angeles City katuwang ang Philippine National Police at iba pang kawani ng pamahalaan.
Nagkaisa ang bawat indibidwal at nagtanim ng mga punong-kahoy na may lawak na 560-hectare watershed.
Hinihikayat ni Mayor Lazatin ang mga pribadong sektor at Non-Government Organizations (NGO) ng Angeles City na panatilihing malinis at pangangalagaan ang kalikasan.