Pinangunahan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Tarlac ang isinagawang Tree Planting Activity sa Sitio Tala, San Jose, Tarlac nito lamang Biyernes, ika-25 ng Agosto 2023.
Dinaluhan ito ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan kabilang na ang Tarlac Provincial Tourism Office.
Ang aktibidad ay kaugnay sa pagdiriwang ng Arbor Day kung saan ipinagdiriwang ito taon taon na nakatuon sa pagtatanim at pangangalaga ng mga punong-kahoy.
Kaugnay dito, nagtulungan sa pagtatanim ng iba’t ibang uri ng punong-kahoy sa naturang lugar.
Patuloy ang Pamahalaang Panlalawigan ng Tarlac sa pagpapayabong sa kapaligiran at pangangalaga ng kalikasan.