21.6 C
Baguio City
Monday, January 20, 2025
spot_img

Tree Planting Activity, isinagawa ng mga School Division Office Personnel ng Angeles City

Nagsagawa ng Tree Planting Activity ang mga guro at Kawani mula sa School Division ng Angeles City sa kahabaan ng Abacan Corridor nito lamang linggo, ika-26 ng Mayo 2024.

Ang aktibidad na ito ay pinamunuan ni Mayor Carmelo “Pogi” Lazatin Jr. katuwang ang School Division Superintendent sa pamumuno ni Engr. Edgard Domingo na buong suporta ang SDO-AC sa proyektong ito ni Mayor Lazatin.

Dagdag pa ni Lazatin, ang inisyatibong ito ay magpapalawak ng green cover at magtataguyod ng mas malamig na kapaligiran, na nagsisilbing proteksyon sa kalusugan ng publiko at bilang aktibong hakbang sa climate resilience.

Bahagi ito ng proyekto ng lungsod upang matugunan ang matinding init na nararanasan ngayon at hinikayat din ang mga kababayan na magtanim sa tulong din ng City Agriculture Office na nagbibigay ng libreng punla.

Ang kahalagahan at mga benepisyo ng proyektong ito sa gitna ng mabilis na pagbabago ng panahon at pagtaas ng matinding init, na nakakaapekto sa kalusugan at kagalingan ng mga mag-aaral.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles