20.2 C
Baguio City
Saturday, January 18, 2025
spot_img

Tree Planting Activity, isinagawa ng Lokal na Pamahalaan ng Tuao, Cagayan

Nagsagawa ng Tree Planting Activity at misa ang Lokal na Pamahalaan ng Tuao bilang bahagi nang pagsisimula sa pagdiriwang ng Parabur Festival sa Barangay Mambacag, Tuao, Cagayan ngayong Martes, Agosto 13, 2024.

Pinangunahan ni Gobernor Manuel Mamba at Tuao Mayor William Mamba ang aktibidad kasama ang Tuao Police Station, Bureau of Fire Protection, mga empleyado at opisyal ng bayan at ilang kawani ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan.

Sama-sama at tulong-tulong ang mga grupo sa pagtatanim bilang pagbubukas ng selebrasyon ng Parabur Festival kung saan ngayong araw ay umabot sa 1,550 seedlings ang itinanim sa nasabing lugar na naglalayong itaas ang kamalayan ng lipunan sa kapaligiran at mapanatiling maayos at ligtas ang komunidad bilang suporta sa Enhanced National Greening Program ng Gobyerno.

Ang Lokal na Pamahalaan ng Cagayan katuwang ang iba pang ahensya ng gobyerno ay patuloy na maghahatid ng serbisyong nagkakaisa tungo sa payapa at maunlad na lipunan para sa Bagong Pilipinas.

Source: Cagayan Provincial Information Office

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles