Nagkaisa ang mga empleyado ng Pamahalaang Lungsod ng Angeles sa isinagawang Tree Planting Activity sa Angeles City Watershed sa Barangay Sapangbato nito lamang Biyernes, ika-28 ng Hulyo 2023.
Pinangunahan ito ng mga tauhan ng City Disaster Risk Reduction and Management Office katuwang ang City Environment and Natural Resources Office, Angeles City PNP at mga opisyal ng barangay.
Ang nasabing Tree Planting Activity ay kaugnay sa pagdiriwang ng lungsod sa National Resilience Month kung saan nagtanim ng iba’t ibang uri ng punong-kahoy sa naturang lugar.
Layunin nito na muling mapayabong at mapangalagaan ang 560 hectare na watershed upang maiwasan ang anumang pagbaha sa lungsod.